MARAMING nasorpresa nang mag-guest si Claudine Barretto sa The Buzz nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino last Sunday. Nabawasan ang kanyang timbang at feeling fresh nang humarap sa talk show.

Claudine Barretto

Una niyang ikinuwento ang first public appearance niya sa debut ng kanyang pamangking si Julia Barretto two weeks ago, pagkaraan ng maraming isyung kanyang pinagdaanan. Inamin ni Claudine na naging emosyonal siya sa pagharap muli sa  mga kapamilya na matagal-tagal ding ‘di niya nakita gaya ng kanyang sister na si Marjorie at ang pamangkin ngang si Julia at mga kapatid nito na sina Daniella (Dani), Claudia at Leon.

Kuwento ni Claudine, mismong si Julia ang tumawag at nag-imbita sa kanya sa tulong ng isa sa Star Magic head na si Ms. Mariole Alberto.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Aniya, ikinabigla niya ang natanggap na imbitasyon from Julia, pero agad-agad siyang naka-oo.

“Napa-stop lang ako sandali. Biglang, I just blurted out, and then I was thinking, sino’ng gagawa ng gown na ganito kabilis? I was like... paano kaya mangyayari ‘yun?” ani Claudine.

Muli siyang tinanong ni Julia over the phone kung makakarating siya.

“’Can you promise me, Mama?’ (Mama ang kinalakihang tawag ni Julia sa kanya.) And I said, ‘Julia I’ll be there’,” ani Claudine.

Nang gabing ‘yun sa debut ni Julia, nagkita sila ng nakasamaaang-loob na pamangkin, si Dani.

“When I was on my way back to the room, no’ng paglabas ko ng ballroom, somebody hugged me. Nagulat ako nu’ng makita ko si Dani. I saw her kasi I go around and she was there. Siguro, hindi niya lang alam kung paano ako pupuntahan. She didn’t say anything. She just hugged me really tight. Doon, naiyak na talaga ako. Kasi, parang nasaktan talaga ako,” pahayag ni Claudine. 

Matatandaan na noong June 2014 nagsimula ang samaan ng loob ng mag-tita dahil sa mga negatibong post ni Dani sa Twitter na inakala ni Claudine na siya ang tinutukoy.

 

Inamin ni Dani na nasaktan siya sa buwelta ng kanyang Tita Claudine sa aspetong kawalan ng respeto at utang na loob.

Aminado si Claudine na sumama ang loob niya kay Dani. 

“Masama ang loob ko after her interview. Malaki ang tampo ko. But then I always say na, I feel this way because I love her so much. I just asked her why? And I said, ‘Don’t let anybody make you think even for one second na hindi ko kayo mahal, na hindi kita mahal, Dani, kasi mahal na mahal kita.’ Siguro, naghihintay lang ako ng apology,” sey ng aktres.

Kaya lang, mukhang kinalimutan na rin ni Dani ang nangyari pati ang paghingi ng apology sa kanyang Tita Claudine.

Anyway, masaya ang kabuuang panayam ni Kuya Boy kay Claudine dahil nabanggit ng come backing actress na muli siyang gagawa ng isang pelikula at teleserye sa Kapamilya, soon!