Umalis noong Sabado ang reigning NCAA 5-peat champion San Beda College (SBC) Red Lions patungong Las Vegas para sa dalawang linggong pagsasanay at makapaghanda sa NCAA Season 91 basketball tournament na magbubukas sa Hunyo.

Hangad na mapalawig pa ang kanilang dominasyon sa NCAA men’s basketball, muling magsasanay ang Red Lions, na nasa ilalim ngayon ng bagong head coach na si Jamike Jarin, sa Impact Basketball Academy ng tanyag na trainer na si Joe Abunassar.

Naging tradisyon na para sa Red Lions ang magsanay sa ibang bansa at sa katunayan ay nasa ikatlong pagkakataon na nilang magsasanay sa ilalim ni Abunassar. Nagsanay din ang koponan sa Lithuania noong nakalipas na taon.

Target ng nasabing training ng Red Lions na makagawa ng kasaysayan sa darating na NCAA season kung saan ay asam nilang maging unang koponan na nagwagi ng anim na sunod na men’s seniors crown makaraang mapantayan noong nakaraang taon ang San Sebastian College (SBC) na nagwagi simula noong 1993 hanggang 1997.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ito rin ang dahilan sa pag-alis ng anim nilang players na nasa line-up ng Hapee Fresh Fighters sa PBA D-League na kinabibilangan nina Nigerian center Ola Adeogun, Baser Amer, Art dela Cruz, Ryusei Koga, Nicole Sorella at Jaypee Mendoza.