Ai Ai delas Alas

KUNG hindi uli mauurong ang schedule, this Monday, March 30, ang storycon ng Let The Love Begin, launching series ito ng love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia at sila ang magkapareha. Excited na ang mga bagets sa bago at pinakamalaking project na ibinigay sa kanila ng GMA Network.

Sa original cast, kasama si Regine Velasquez, pero nag-beg off ito, kaya naghahanap pa ang production team na ipapalit sa kanya at makaka-love triangle nina Ai-Ai delas Alas at Ariel Rivera.

Ang pagkakakuwento sa amin sa story ng Let The Love Begin, father ni Gabbi si Ariel at mother ni Ruru si Ai-Ai at hindi sina Ai-Ai at Ruru ang magkakaroon ng relasyon. Magkakagusto si Ai-Ai kay Ariel, kaya lang, kaibigan lang ang turing nito sa kanya at dito magkakaroon ng conflict.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Gina Alajar ang director ng Let The Love Begin at pagkatapos ng Holy Week na sisimulan ang taping dahil sa April 27 na ang pilot nito, kapalit ng Once Upon A Kiss nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.