Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maraming problema ngayon sa lipunan dahil hindi nananampalataya sa Diyos ang mga tao.

“There are many problems in our personal life and in the society that happened because we are not faithful to God,” sinabi niya sa kanyang homily sa Palm Sunday Mass na idinaos sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila kahapon.

Aniya, may tendency ang ilang tao na baguhin ang kanilang prinsipyo at pinaniniwalaan, kahit pa tama ito, dahil lang hindi na ito uso sa ngayon.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

“We readily change our position, our commitment when it’s no longer popular,” aniya. Kaugnay nito, hinimok ni Tagle ang kabataan na manindigan sa kanilang mga pinaniniwalaan kung alam nilang tama ang kanilang ginagawa.

“If what you are doing is right, stand by it. Others may laugh at you but this won’t be long. Your suffering won’t be long. The kind of happiness you will experience is much deeper because you have been faithful to God,” sabi ni Tagle.

“Let us be faithful to God even if we are being laughed at, ridiculed and not understood by others. That kind of faithfulness as shown by Jesus, it is what gave us new life,” dagdag pa ng cardinal.

Nagsimula na kahapon, Linggo ng Palaspas, ang isang-linggong paggunita sa Semana Santa.