UMAABOT na sa mahigit 1,900 plus hits at 279 comments (as of press time) ang post ng isa sa bida ng 2 1/2 Daddies ng TV5 na si Robin Padilla sa kanyang Instagram (IG) account (@robinhoodpadilla) kalakip ang isang litrato nina Rey Paraman (nakaalitan ni Melissa Mendez) at Atty. Raymund Fortun. 

Robin Padilla

Kuha ang picture nang mag-file ng kasong slander by deed with damages amounting to P3 million sina Rey at Atty. Fortun sa Pasay City Prosecutor’s Office nitong Martes, pagkaraang humingi ng apology ang beteranang aktres sa kanyang IG account. 

Tinuluyan pa ring sampahan ng kaso si Melissa ng kaibigan ng rugby player na si Andrew Wolff. Gusto ni Rey na gawin ni Melissa ang paghingi ng apology sa national TV dahil aniya’y nasira ang kanyang reputasyon sa isyu.  

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Idinaan naman ni Binoe sa IG ang pakiusap niya kay Rey at sa abogado nito. Narito ang kanyang post, unedited:

“Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry. 

“Matanda na rin po si melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya.”

Ipinaalala ni Robin na hindi siya nakikialam sa isyu kundi nakikiusap lang na ayusin (sa labas ng korte) ang problema ng magkabilang panig. 

“Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad. Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa. Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki. 

“Ang pagpapatawad po ninyo kay melissa mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan,” pakiusap pa ng action superstar. 

Sa ngayon, ayaw na ring magbigay ng anumang pahayag o komento ni Melissa sa kasong slander by deed at sambit niya sa kanyang Facebook page, “I was advised not to comment consudering the case against me is already filed. This is also in due respect to the office hearing the case. God bless us all.”