Malaking responsibilidad ang gagampanan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpapalaganap ng relasyon sa pamamagitan ng isports sa kalapit bansa nitong Bangladesh sa pagsasagawa noong Miyerkules ng 1st Philippines – Bangladesh Foreign Policy Consultation sa Diamond Hotel.

Napag-alaman kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na kasamang dumalo ni Honorable Laura Q. Del Rosario, Department of Foreign Affairs - Under Secretary for International Economic Relation, sa diplomatikong pulong ang pagtutulungan sa iba’t-ibang aspeto para sa kapwa ikauunlad ng dalawang bansa.

“We already had a memorandum of agreement with Bangladesh at napagtibay doon ang sports exchange, with the Philippines to teach arnis and also volleyball,” sabi ni Atty. Iroy Jr.

“They want also to introduce to us and teach the sports of cricket and to put up a cricket association in the country. Also discuss was about Trade, Commerce, Defense and Culture,” sabi ni Iroy Jr. na inirepresenta si PSC Chairman Richie Garcia na dumalo naman sa Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly.

Eleksyon

Higit 68K PDLs, makakaboto sa 2025 NLE

Nakatakda namang idetalye ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan para sa iba’t ibang usapin sa nakatakdang pagtungo sa bansa ng mga opisyales ng Bangladesh partikular sa inspeksiyon sa pasilidad sa sports at paghihiram din ng mga coaches at atleta.