Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum):

4:15pm -- NLEX vs. Meralco

7pm -- Purefoods vs. Alaska

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Magsisimula na ngayon ang best-of-three series para sa kani-kanilang quarterfinal pairings ng mga koponang pumasok na No. 3 seed hanggang No. 6 sa pagtatapos ng eliminations ng 2015 PBA Commissioners Cup.

Ganap na alas- 4:15 ng hapon magtutuos para sa unang laban ang No. 4 seed NLEX at No. 5 seed na Meralco habang maghaharap naman sa tampok na laro ganap na ika-7 ng gabi ang third seed na Purefoods at ang No. 6 squad na Alaska sa Smart-Araneta Coliseum.

At dahil semifinals berth na ang kanilang paglalabanan, naniniwala ang mga koponang nabanggit na hindi na kinakailangang ikunsidera pa ang naging laban nila sa nakaraang elimination round kung saan tinalo ng Road Warriors ang Bolts, 89-76, at dinurog naman ng Star Hotshots ang Aces, 108-88.

Umaasa si coach Norman Black na babawi ang kanyang Bolts, sa pamumuno ng import na si Joshua Davis at local top gun Gary David, ngayong playoffs mula sa bumabang laro nila noong elimination round kung saan natalo pa sila hanggang sa huling laro sa kamay ng Blackwater, 72-84.

Sa panig naman ng Road Warriors, muli naman nilang sasandigan para pangunahan ang team si import Al Thorton at ang kanilang ageless Warrior na si Asi Taulava para makauna sa serye.

Gaya ng Bolts, galing din sa kabiguan sa huli nilang laro sa eliminations ang Road Warriors sa kamay ng Barako Bull, 85-91.

Sa tampok na laban, kinapos sa huli para makamit ang isa sa top two spots para masungkit ang twice-to-beat advantage, tiyak namang magkukumahog bumawi ang Star Hotshots para patuloy na buhayin ang tsansa nilang maidipensa ang hawak na titulo.

Ngunit gaya ng sinabi ni coach Tim Cone sa huli nilang panalo noong eliminations kontra Meralco, hindi sila puwedeng umasa na lamang palagi sa import na si Denzel Bowles para manalo.

Kaya naman ang mahalagang kontribusyon sa kanyang mga locals ang inaasahan ni Cone ngayong playoff round.

Para naman sa kampo ng Aces depensa pa rin ang sandatang aasahan ni coach Alex Compton na siya ring naghatid sa kanila sa 104-98 na panalo sa Gin Kings sa pagtatapos ng elimination round.