SINGAPORE (AP) — Tahimik na nakatayo ang mga Singaporean noong Miyerkules habang dumaraan ang kabaong ni Lee Kuan Yew sa ceremonial gun carriage ng maikling biyahe mula sa presidential palace patungo sa Parliament, kung saan magbibigay ng kanilang huling paalam ang publiko sa tagapagtatag ng city-state bago ang libing ngayong weekend.

Namatay si Lee, 91, noong Lunes sa Singapore General Hospital matapos ang isang buwang pakikipaglaban sa severe pneumonia. Nagdeklara ang gobyerno ng isang linggong pagluluksa para sa lider na nagdala sa Singapore sa kasaganaan at katatagan.

Ibuburol si Lee sa Parliament bago ang state funeral sa National University of Singapore sa Linggo.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS