STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Patay ang isang 43-anyos na sentensyador sa sabungan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa municipal road sa Purok 4, Barangay Sagaba ng bayang ito, noong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Francisco Gaston y Asprec, alyas Onging, may asawa, residente ng Poblacion East, Science City of Muñoz, na may tatlong tama ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek sakay ng motorsiklong hindi naplakahan.
Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.