Nadakip ng pinagsamang operasyon ng military at pulisya ang isang ng kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa San Miguel, Zamboanga del Sur noong Lunes ng umaga.

Naging matagumpay ang operasyon ng Provincial Public Safety Company (PPSC) at 53th Infantry Battalion ng Philippine Amry (PA) ng maaresto si Johnny Anter, alyas “Bulldog,” sa Barangay Dalapan, ng dakong 11:00 ng umaga.

Nagsasagawa ng combat operation ang pulis at militar  nang madakip si Anter at naluha sa kanyang pag-iingat ang kalibre .38 pistol, mga bala at isang granada.

Sinabi ng pulisya si Anter ay kabilang umano sa mga rebeldeng NPA na kumikilos sa naturang lalawigan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Dinala sa Camp Abelon ang suspek sa Pagadian City at nakatakdang sampahan ng kasong illegal na pag-iingat ng baril at granada.