HIWALAY na ang isang member ng British boy band na One Direction na si Louis Tomlinson, 23, sa kanyang longtime girlfriend na si Eleanor Calder. Ito ang kinumpirma ng isang source sa US Weekly.

Louis

Nagsimula ang relasyon nina Louis at Eleanor noong 2011.

“Louis and Eleanor split up two weeks ago,” kumpirmasyon ng tagapagsalita ni Tomlinson sa Us. “They have not announced this as they wanted some privacy during this time.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan na noong Miyerkules, Marso 18, ang kanyang kabanda na si Zayn Malik ay naakusahan sa panloloko sa fiancée nito na si Perrie Edwards, at kamakailan lamang ay pansamantalang humiwalay sa grupo dahil umano sa “stress.” Agad naman itong itinanggi ni Malik gamit ang kanyang Twitter account, at sinabing siya ay tapat sa Little Mix singer, 21.

“I’m 22 years old… I love a girl named Perrie Edwards,” pahayag ni Malik. “And there’s a lot of jealous f--ks in this world. I’m sorry for what it looks like x.” 

Hindi pa pormal na nagkokomento si Tomlinson tungkol sa pakikipaghiwalay sa dating kasintahan. - US Weekly