Boy Abunda

MARAMING taon na puro trabaho lang ang mga inaasikaso ni Boy Abunda. Nang malubhang magkasakit noong nakaraang taon, na-realize niya na masyado naman yata niyang pinahihirapan ang sarili niya.

Kaya ngayon, marunong nang magbakasyon ang well loved na media personality.

Plano ng King of Talk na ituluy-tuloy ang nasimulang biyahe at pagbabakasyon sa ibang bansa. Apat na bansa ang target niyang puntahan ngayong taon. Last January ay nakaisa na siya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Nagbakasyon siya sa Canada kasama ang kanyang long time partner na si Bong Quintana at ang kanyang kapatid na si Borongan Mayor Fe Abunda.

This month, nakatakda naman siyang mag-travel patungong Inchon, South Korea. Gusto niyang makita ang cherry blossoms sa Korea. Una na niyang nakita na ang cherry blossoms sa Japan. 

Sa susunod, pipilitin niyang makapag-Alaskan cruise sila ng mga mahal niya sa buhay. Sana nga raw bandang August ay matupad niya. 

Bago naman matapos ang taon, pangarap ni Kuya Boy na makapagbakasyon naman sa Turkey. Para sa King of Talk, isa sa pinakamagandang puntahan ang Turkey. 

May ibang lugar pa na gusto niyang puntahan pero baka sa mga susunod na taon na lang ‘yun. 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nagkakabati ang dalawang taong malapit kay Kuya Boy, sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas. Mahirap daw at talagang ikinalulungkot niya ito.

“Tough, you know. Hindi naman ako magsisinungaling at sasabihin, pareho naman sila, eh, At si Kris at Ai Ai both verbalized in the past na ayaw nilang naiipit ako,” sey niya. 

Tahimik lang daw siya at hindi nagsasalita o nagpapa-interview tungkol sa isyu. 

“Hindi ako nagsasabi kung sino ang tama, totoo ‘yun. I’m very careful with the words that I say. Dahil maraming dahilan. May mga bagay na hindi ako magkukunwari na alam ko, kasi iisa lang naman ang intensiyon ko sa buhay, ang magkaayos.

 “Wala naman talagang problema na hindi naayos. I continue to pray na sana maayos talaga,” sabi ng most awarded TV host. –Jimi Escala