Billy at Coleen

SABI ng aktor/TV host na nakakuwentuhan namin, may fans na nagkuwento sa kanya lately tungkol sa napapansin ng mga ito na parang personal assistant (PA) na lang si Billy Crawford ng kasintahang si Coleen Garcia. 

Madalas daw kasing nakikita ng mga ito kapag magkasama ang dalawa na si Billy ang tagabitbit sa mga personal na kagamitan ni Coleen. Tahimik na nga lang daw na nagkakatinginan ang mga nakasama ni Coleen sa isang photo shoot dahil si Billy pa ang tagaabot ng mga kailangan ng kasintahan. 

“Pati ba naman ‘yung ibang mga gamit na nasa kotse, eh, si Billy pa rin ang kumukuha. Dapat siguro, eh, tanggalin na lang nila ang alalay ni Coleen,” sey ng aktor/TV host na kausap namin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matiyagang naghintay si Billy kay Coleen kahit ilang oras pa ang inabot ang pictorial. Maging sa business meetings ng huli ay hindi raw naiinip na naghihintay ang una.

Kaya binanggit ng fans na nakausap ng source na hindi na maganda sa imahe ni Billy na pinagmumukha niyang alalay ang sarili.

Balak iparating ng kausap namin sa kaibigang si Billy na maaaring idadaan na lang daw niya sa biro, dahil alam daw niyang sobrang mahal na mahal ng kaibigan niya si Coleen.