KAPLASTIKAN lang ‘yun.”

Ito ang sabi sa amin ng TV executive tungkol sa mapanood na tsikahan ng isang beterano at isang baguhang TV host/actor sa isang TV show kamakailan.

Very close ang dalawang celebrity pero dahil pareho sila ngayon ng format ng programang ginagawa ay tinubuan na ng insecurity ang isa na siyempre ayaw namang ipahalata dahil tiyak na pagtatawanan siya ng lahat. 

Beterano na si Datihan sa hosting, pag-arte at pagkanta, at dahil nakitaan naman ng potential si Baguhan at kaya rin pala niyang gawin ang ginagawa ng beterano, ang ending ay may lihim na itong naiirita at naiinggit sa newcomer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasa iisang TV network at talent management agency sila kaya kailangan ni Datihan na magpakitang okay sa kanya si Baguhan na ewan nga lang kung nahahalata naman siya ng huli. 

Ang siste, alam na alam na ng buong production team na may irita o inggit factor si Datihan kay Baguhan.

Ganyan talaga sa showbiz, hindi puwedeng nag-iisa ka lang sa trono mo kaya para hindi maagaw, pagbutihin mo ang trabaho at dapat ay mag-evolve ka, hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang ang alam mong gawin.

“Tatanda at lilipas din siya (beteranong TV host/actor) kaya nga nagde-develop na ng bata,” sey ng kausap naming TV exec, “kaya kung ayaw niyang masapawan, eh, mag-evolve na siya.”