Alex Gonzaga

HOW true, naantala ang taping ng Inday Bote dahil kay Alex Gonzaga na bisi-bisihan na sa rehearsals para sa nalalapit na The Unexpected Concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa April 25?

May nagtsika sa amin na nagiging cause of delay ng taping ang aktres na kailangang asikasuhin muna ang concert niya sa susunod na buwan.

Kaya namumrublema raw ang production team ng Inday Bote dahil kay Alex. Matrabaho pa naman ang production ng Inday Bote. Kaya ang ginagawa, kinukunan muna ang mga eksenang hindi siya kasama at ‘yung mga dapat na kasama siya ay ginagawan na lang ng paraan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hala, hindi maganda ito, mas dapat na unahin ni Alex ang Inday Bote dahil matagal na itong naplano bago pa man ang concert niya. At higit sa lahat, dapat intindihin ng aktres na mahirap at magastos ang taping ng fantaserye niya at hindi lang siya ang naaabala.

Naku, unang project pa naman ito ni Alex sa Dreamscape Entertainment kaya sana pagbutihin niya ang kanyang time management.  

Narinig din namin ang tsika na wala pa raw makuhang guest artists sa concert ni Alex dahil lahat ay may commitment.

At hindi rin totoong may humaharang sa guesting ni Alex para sa promo ng concert niya dahil nakapag-promote na siya sa ASAP 20 at Gandang Gabi Vice noong Linggo.

In fairness, ang tagal ng exposure niya sa GGV kasabay na rin sa promo ng Inday Bote kasama si Alonzo Muhlach. --Reggee Bonoan