OLONGAPO CITY – Aksidenteng nasapol ng bala at napatay ang asawa ng isang pulis ng isang “police asset” sa loob ng himpilan ng pulisya sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

Patay si Everet Sadaba, 40, rescue officer at asawa ni SPO2 Mae Ann Sadaba, makaraang matamaan sa pagpapaputok ng baril ng 25-anyos na police asset na si Alex De Caya.

Ayon sa mga ulat, nakipagtalo si De Caya kay Jason Santiago, isa ring police asset, sa loob ng sasakyan ng kanilang police handler hanggang sa kunin ni De Caya ang rifle sa sasakyan at barilin si Santiago.

Hindi tinamaan si Santiago, na nakatakas, kaya ilang beses na lang na nagpaputok ng baril si De Caya, hanggang sa tamaan si Sadaba na noon ay malapit sa sasakyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napatay naman ng mga rumespondeng awtoridad si De Caya. - Jonas Reyes