Ken Anderson

TINANONG kami ng kilalang direktor kung kilala namin si Ken Anderson na kapatid daw ng aktor na si Gerald Anderson at kung napapansin daw namin na may mannerism ito dahil lagi raw inilalabas ang dila.

Kasama raw sa isang programa ang kapatid ni Gerald at napansin ng direktor na laging dumidila si Ken. Nu’ng una ay dedma lang sila, pero nu’ng rebyuhin daw nila ang nakunang eksena ay panay nga raw ang dila ng binata.

Hanggang sa pinagmamasdan na nila off-camera at napansin nga na mannerisms niya ang dumila-dila.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“Siguro may problema sa ngipin niya kaya panay ang dila at binabasa ang bibig, hindi kasi maganda ‘pag kinukunan, kaya kailangang makorek ‘yun,” sabi sa amin.

Hindi pa namin nakikilala ang kapatid ni Gerald at higit sa lahat, saang TV network ba siya konektado?

“Wala pa, guest lang siya sa _______ (programa), pero parang hindi na mauulit kasi ‘yung mannerism niya. Okay lang naman umarte, hindi naman exceptional,” kuwento sa amin.

Hmmm, ang alam namin ay nag-audition siya sa Star Magic pero hindi pumasa, marahil itong mannerism niya rin ang naging problema. --Reggee Bonoan