TOTOO ang tsika na lawyer na nagtuturo sa Ateneo Law School ang boyfriend ni Valerie Concepcion na aminadong mas may edad ito sa kanya.

Valerie Concepcion

Nakita namin si Valerie sa children’s party ng alaga ni Tita Becky Aguila na si Andrea Brillantes sa McDonald’s sa tabi ng ABS-CBN at nagulat kami sa laki ng ipinayat ng aktres.

Dati kasi ay sobrang taba ni Valerie, pero nitong makita namin ay bumalik sa 24 inches ang hula namin ay umabot sa 32 inches na baywang niya. Ano ang exercise na ginagawa niya?

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Actually, gym lang, ini-enrol niya (boyfriend) ako sa gym,” tumatawang sagot ni Valerie. 

Susme, si Lawyer Boyfriend pa pala ang naghikayat na magpapayat siya?

“Oo, kasi ang taba ko raw. Actually, gusto ko rin naman kasi nahihirapan na ako, saka walang project, ha-ha-ha,” sabi ng aktres.

Ang seksi na ngayon ni Valerie kaya kering-keri na niyang mag-sleeveless at magpakita ng konting likod.

“Bagay na, di ba?” natawang sabi niya. 

Bago pa lang sila ng lawyer boyfriend niya na nakilala niya through a common friend at simula raw noon ay hindi na siya tinantanan at panay na ang tawag. Noong una ay ayaw dito ng aktres, pero sa sobrang bait at simpatiko ay nagustuhan niya.

Hindi itinanggi ni Valerie na may asawa’t anak na si Lawyer Boyfriend, pero legally separated kaya hindi siya puwedeng akusahang nang-agaw o mang-aagaw.

“Matagal na silang separated bago ko nakilala,” say ng aktres.

Wala silang napag-uusapan tungkol sa mga plano nila sa buhay.

“Enjoy-enjoy muna ang life, huwag magmadali,” sabi niya.

Samantala, sampung taon na ang anak ni Valerie na si Heather Fiona at marunong daw kumanta at gustong mag-audition sa The Voice Kids kaya kinakabahan siya.

“Maganda boses ni Fiona kasi nag-voice lesson, pero alam mo ‘yung feeling na baka hindi matanggap o pumasa, pero gusto niya, hindi ko pa alam, eh,” masayang kuwento ng proud mom. 

Isa si Valerie sa naging celebrity guest ng Deal or No Deal ni Luis Manzano kamakailan.