Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

IBINALITA sa amin ng aming showbiz friend, na nagkataong isa sa mga ninang ng anak ni Dimples Romana na bininyagan last week, ang sobrang sweetness nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Isa rin sa mga ninong si Matteo.

Nakakatuwa at nakaka-in love daw pagmasdan ang magkasintahan.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Kuwento ng friend namin, sobrang napaka-gentleman ni Matteo na kahit ang pagtayo lang daw ni Sarah ay nakaalalay agad.

At kahit halatang umiiwas ang dalawa na magpakuha ng larawan, still, hindi naman makatanggi kapag may gustong magpa-picture na kasama sila. Walang nagawa sina Sarah at Matteo kundi ngumiti na lang.

Panay din daw ang bulungan ng dalawa.

“Ewan ko lang, kung may iniiwasan si Sarah sa isa mga kasamahan ni Matteo na mga ninong o ninang  ng anak ni Dimples. Basta sa nakikita ko, eh, parang gusto na agad umalis ni Sarah,” sey pa ng source. 

Ang ilan sa mga namataan ng source namin sa binyagan ay ang iba pang mga ninang at ninong na sina Julia Montes, Nikki Valdez, Anne Curtis, at Kris Aquino. Marami pang mga taga-showbiz and non-showbiz friends si Dimples na dumalo sa kanyang pabinyag. 

Sabay na umalis sa okasyon sina Sarah at Matteo pero hindi na natanaw ng source namin kung iisang sasakyan lang ang ginamit ng dalawa.