SA pag-cover sa presscon sa showbiz, dapat ay may baon kayong mahabang pasensiya lalo na’t super late nang magsimula. Ganito ang nangyari sa You’re My Boss, unang team-up ni Coco Martin at ni Toni Gonzaga bago mamaalam ang huli sa pagdadalaga.

In fairness, humingi naman ng dispensa at pang-unawa ang namahala ng event.

Sa shooting pa kasi nanggaling ang mga bida ng Star Cinema movie, na nang magsidating ay unang pinapasok si Coco na sa halip na dumiretso sa presidential table ay isa-isang nilapitan ang mga mesa upang kamayan, tapikin at kumustahin at masayang nakipag-selfie sa entertainment writers close man o hindi sa kanya.

Sa isang iglap, napawi ang pagkainip na nadama ng lahat. We sensed sincerity sa ipinakita ng aktor na puwedeng bansagang Darling of the Press.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

We are not close to Coco pero noon pa man ay bilib na kami sa kanyang kahusayan sa pag-arte. Lalo kaming natuwa nang saluhin siya ng ABS-CBN, binigyan ng magagandang proyekto at naging bankable star.

Cutting the story short, ang pagpapahalaga niya sa trabaho and maintaining a good relationship with the press ay sinusuklian ng ibayong tagumpay.

Parang gusto naming isipin na para kay Coco, ‘You’re My Boss’ ang tingin niya sa lahat ng press people. (Remy Umerez)