Maja Salvador

LALO pang na-highlight ang kaseksihan ni Maja Salvador dahil sa maalindog na role niya sa Bridges of Love na pinagbibidahan niya kasama sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

Usap-usapan sa mga umpukan at trending sa social media ang hot na hot na paglabas ni Maja sa serye bilang star dancer.

Gabi-gabi ay gising na gising tuloy ang viewers dahil sa mapangahas at mabilis na daloy ng kuwento nito na tungkol sa buhay ng magkapatid na sina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo), na nagkalayo dahil sa malagim na trahedya at muling pinag-ugnay ngayon ng pagkabighani nila sa kaakit-akit na club dancer na si Mia (Maja).

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Pero hindi lang ang magkapatid ang nabighani sa alindog ni Mia kundi maging ang televiewers. Katunayan ng pagkahumaling ng mga manonood sa Bridges of Love ang resulta ng viewership survey ng Kantar Media na humataw ito sa national TV ratings mula nang mag-pilot noong nakaraang Lunes. Tinalo ng serye nina Jericho, Paulo, at Maja sa national TV ratings na 21.9%, 24.4%, 24.4%, at 24.1% (mula Lunes hanggang Huwebes) ang Second Chances na katapat nito sa na nakakuha lang ng 13.6%, 12.3%, 14.1% at 14.8%, ayon sa pagkakasunod.

Tiniyak ng kakilala naming sa Star Creatives production unit na lalong tututok ang viewers sa love triangle sa Bridges of Love dahil lalong titindi ang pagtingin nina Gael at Carlos kay Mia. Susubukin daw ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid.

Asahan nang lalo pang iinit ang Bridges of Love sa kamay ng mga director nito na sina Dado Lumibao, Will Fredo, at Richard Somes. Ang Star Creatives production din ang gumawa sa primetime TV hits na Princess and I, Got to Believe, The Legal Wife, at ang super hit ding Forevermore.