julia barretto

SA announcement ng bagong serye nina Julia Barretto at Miles Ocampo kasama si Iñigo Pascual na may titulong And I Love You So mula sa Dreamscape Entertainment, inamin ng una na ito ang best birthday gift niya, panibagong proyekto.

“This is the first teleserye I’m doing with Iñigo and with Miles that I have been friends with since we were little kids, so, I’m excited to be sharing this experience with the both of them,” sabi ni Julia.

    

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hindi na ba pa-tweetums ang papel ni Julia dahil disiotso na siya?

    

“Honestly, ’yun ’yung gusto ko talagang gawin na atake ko sa seryeng ito. I wanna make it very different from the last one that I did. Maybe because that was more on for the kids, that we’re more on for the teenagers, light siya, eh.

“Pero ’yung character ko na ito, ang lalim talaga, ang lalim ng istorya, ang lalim ng character, may pinanggagalingan, may hugot. I’m excited to use all the experiences that I have experienced in the past at malagay ko rito, it’s a nice outlet.”

    

Definitely, wala pang daring scenes para kay Julia dahil hindi pa naman daw siya handa rito.

“Hindi pa ako ready for that. I just turned 18 and also, mayroon akong market, mayroon akong fans. We’re still very young and I still wanna keep them close to my heart also,” sabi niya.

Sa nakaraang debut party ni Julia ay wala ang kanyang Tita Gretchen Barretto na nagpunta ng London at dumalo naman ang Tita Claudine Barretto niya. Pero ayaw pag-usapan ng dalaga ang tungkol sa Tita Greta niya, sabi lang niya ay sobrang blessed siya at nagpapasalamat sa mga natatanggap niya.

        

“You know what, I can say that everything is peaceful and everything is okay. ’Yung mga ganyang bagay na hindi ako involved, I don’t feel like I’m in the right position naman to answer,” katwiran ni Julia.

Anyway, makakasama nina Julia, Miles at Iñigo sina Raymond Bagatsing, Bing Loyzaga, Dimples Romana at Angel Aquino.