Nang simulan ni Pangulong Aquino ang kanyang anim na taon na termino noong Hunyo 2010, taglay niya ang pinakamataas na rating na naitala sa kasaysayan ng trust surveys ng Pulse Asia mula noong 1999 – 85 porsiyento. Dalawang porsiyento lamang ang kakaunti o walang tiwala sa kanya; 13 porsiyento ang hindi makapagpasya.

Sa sumunod na limang taon, bumaba ang tiwala sa mas makatotohanang mga level, ngunit hindi gaanong malaki. Ang trust ratings sa first quarter ng mga sumunod na taon ay 75 porsiyento noong 2011, 69 porsiyento noong 2012, 72 porsiyento noong 2013, at 69 porsiyento noong 2014. Samantala, habang tinutupad ni Aquino ang kanyang mga tungkulin bilang pangulo ng republika, sumasabay public approval ng kanyang performance sa kanyang trust rating. Ang approval rating ay 74 porsiyento noong 2011 (matapos ang kanyang unang siyam na buwang paglilingkod), sinundan ng 70 porsiyento noong 2012, 72 porsiyento noong 2013, at 70 porsiyento noong 2014.

Ngayong Marso, sa first quarter survey para sa 2015, bumulusok ang ratings sa pinakamababang level – 36 porsiyentong trust at 38 porsiyentong approval. Ano ang nangyari upang maging ganito kalaki ang pagbulusok sa pananaw ng sambayanan kay Pangulong Aquino?

Ang Mamasapano tragedy – iyon ang nangyari. Ang mas tumpak, ang pagkasangkot ng Pangulo sa pagpaplano at operasyon ng isang police project na nagtapos sa pagkakapatay sa 44 mabubuting tao, sinundan ng paraan niya ng pagtugon sa mga sumunod na event. Mariin niyang tinutulan ang mga mungkahing magsabi ng “I’m sorry,” sa paniniwalang hindi siya dapat ang sisihin sa trahedya. Tama man siya o mali sa kanyang paninindigan, ang pananaw ng publiko na sinasalamin ng Pulse Asia survey ay hindi naging mabait sa kanya.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Mayroong espekulasyon ngayon sa kung ano ang epekto ng pagbulusok ng ratings sa susunod na mga linggo at buwan. Maaapektuhan ba nito ang pagpapasya ng Kongreso sa Bangsamoro Basic Law bill o sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa mga Amerikano?

Maaapektuhan ba nito ang pagpaplano at pagpapatupad ng Pangulo sa iba pang mahahalagang programa na nakatakda sa nalalabing buwan ng kanyang administrasyon? Maaapektuhan ba nito ang pagpili ng mga kandidato at mga estratehiya sa pangangampanya sa darating na eleksiyon?

Nananatiling walang katiyakan ang mga ito. May nakapagsabi, na maigsi ang memorya ng mga Pilipino. Maaaring maresolba ang Mamasapano kalaunan at magmu-move on na ang bansa. Maaari ring makabawi ang survey ratings, lalo na kung susundin ng Pangulo ang payo ng mga eksperiyensadong leader tulad ni Pangulong Ramos.

Umaasa tayo sa susunod na mga linggo at buwan, may kumpiyansa na ang ating demokratikong sistema at ang ating pamamaraan ng pamumuhay ay magkakaroon ng kakayahang tanggapin ang anumang mangyayari. Walang kudeta at walang pagbibitiw sa puwesto. Ngunit umaasa tayo na magkakaroon ng mga pagbabagong mainam para sa administrasyon ng gobyerno at lipunan, na nagmula sa ating mga natutuhan sa Mamasapano at lahat ng iba pang pangyayari na sumunod at nagpapatuloy magpahanggang ngayon.