Itinanggi ng Malacañang noong Martes na nakikialam ito sa kaso ng nakadetineng si US Marine Corps Pvt. 1st Class Joseph Scott Pemberton.

Sinabi ng kampo ng pinatay na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude, sa pamumuno ni Atty. Harry Roque, na pakiramdam nila ay gumagamit ng impluwensiya ang Palasyo upang pumayag ang kampo ni Laude sa plea bargain.

Gayunman, itinanggi ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. at iginiit na hindi nakikialam ang Malacañang sa kaso ni Laude.

Inakusahan ni Roque ang Malacañang ng panggigipit sa kampo ni Laude para tanggapin ang plea bargain upang ibaba ang kaso laban kay Pemberton mula sa murder patungo sa homicide.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Si Pemberton ay inaakusahan ng pagpatay sa baklang si Jeffrey “Jennifer” Laude sa isang motel sa Olongapo City noong Oktubre 2014.