May mga ulat at mga larawan ang media noong Martes sa mga pangyayari sa Makati City Hall – si Vice Mayor Romulo Peña Jr. na nanunumpa bilang acting mayor ng lungsod at si Mayor Jejomar Erwin Binay na kumakapit sa kanyang puwesto habang iwinawagayway ang isang Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals, na pumipigil sa kanyang suspensiyong atas ng Ombudsman.

Malas lamang na sa dinami-rami ng larawan ng mga opisyal at kanilang mga tagasunod ay napabilang ang isang larawan ng daan-daang Special Action Force (SAF) police commando na nagbabarikada sa looban ng Makati City Hall. Ipinadala sila roon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may superbisyon at kontrol sa Philippine National Police (PNP), ayon sa kampo ni Binay.

Sa loob ng maraming linggo ngayon, nababasa ang sambayanan ang tungkol sa kabayanihan ng 44 tauhan ng SAF na namatay sa pakikidigma sa Mamasapano, Maguindanao. Tinatawag sila sa iba’t ibang pangalan tulad ng “Fallen 44”, “Gallant 44”, at “SAF 44”. Hinirang silang mga bayani, at isinisisi ang kanilang kamatayan sa mga hakbang ng ilang opisyal na inaakusahan sa kapalpakan bilang mahinang pagpaplano ng operasyon, kawalan ng koordinasyon, paglaban sa chain of command o line of authority. Inirekomenda sila para sa mga medalya at iba pang parangal. At ang kanilang organisasyon, ang SAF, at niluklok sa pinakamataas na karangalan bilang isang elite force ng mga bayani na nakikipaglaban para sa pinakamataas na pambansang interes.

Ngayon, nakikita silang nagpapatupad ng isang suspension order na pumapabor sa isang bahagi lang ng isang tunggaliang pulitikal. Hindi naman sinasadya, kinakatawan nila ang DILG, na ang pinuno, si Secretary Mar Roxas, ang nakikitang isang kalaban sa pulitika ng ama ni Mayor Binay si Vice President Jejomar Binay, sa panguluhan sa 2016 elections.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

May mga isyung legal na sangkot sa kontrobersiya sa Makati at lulutasin ang mga ito sa mga hukuman. Samantala, may mga isyung pulitikal na sa ngayon ay waring nangingibabaw sa eksena. At walang umuurong sa sino man sa kanila.

Kung totoo ngang kailangan ang presensiya ng pulisya upang mapanatili ang kaayusan, at kung hindi pinagkakatiwalaan ng DILG ang Makati police na ipatupad iyon, hindi ba maaaring magpadala ang DILG at PNP ng kanilang tauhan nang hindi nagpapakita ng mga batuta at nagdi-display ng mga panangga na may mga letrang “SAF” na prominenteng nakapinta sa mga iyon?