PAGKATAPOS ng malaking tagumpay ng The Voice Kids (TVK) Season 1 at The Voice franchise as a whole, hindi kataka-taka na muli nang nagsasagawa ng auditions ang ABS-CBN para sa susunod na batch ng talented young singers sa bansa.

Ang reality singing competition ay bukas para sa mga batang edad 7 hanggang 13. Ang bawat bawa ay dapat maghanda ng dalawa hanggang apat na awitin sa audition. Hindi kailangang magdala ng tapes, dahil await sila ng a capella upang lalong marinig ang singing talent ng aspirants.

Naririto ang schedule ng auditions sa iba’t ibang Starmall branches:

March 21 – Starmall EDSA-SHAW, 9 to 5 PM; March 25 – Starmall Las Piñas, 9 to 5 PM; March 29 – Starmall Prima Taguig, 9 to 5 PM; April 9 – Starmall Talisay.

Rep. Chua, itinangging naungkat ang 'impeachment' sa kanilang fellowship sa Malacañang

Ang mga ito ay preliminary auditions pa lamang. Galing sa mga mapipili rito ang pipiliin ng ABS-CBN reality show judges na magiging bahagi ng kanilang team.

Bukod sa malaking halaga, ang The Voice Kids Season 1 winner na si Lyca Gairanod ay nagwagi ng recording contract sa MCA Universal.

Bukod pa riyan, siya at ang kanyang pamilya ay nanalo rin ng bagong bahay sa Camella Tierra Nevada. Ang Camella na isa sa biggest homebuilders sa bansa ay isa sa major sponsors ng show.