CAPAS, Tarlac - Tatlo katao ang grabeng nasugatan matapos magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa highway ng Barangay Aranguren sa Capas, Tarlac, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Arlan Herrera ang mga biktima na sina PO1 Edward Torio, 33, driver ng Suzuki motorcycle na sinasabing service ng Capas Police; Wilma Torio, 29, may asawa, ng Bgy. Sta. Lucia, Capas.

Sa panig naman ng Kawasaki Bajaj CT 100 motorcycle (PK-5179) ay nasugatan ang driver na si Ricky Abogado, 19, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na patungong kanluran ang motorsiklong minamaneho ni PO1 Torio nang makabanggaan nito ang kasalubong na Kawasaki motorcycle ni Abogado.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20