MIAMI (AP)– Isinalansan ni Dwyane Wade ang 21 sa kanyang 32 puntos sa first half, nagdagdag si Goran Dragic ng 20 puntos at 9 assists, at ipinatikim ng Miami kay LeBron James ang isa pang pagkatalo sa kanyang dating home floor sa pagkuha ng 106-92 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers kahapon.

Ang panalo ang nagtulak sa Heat pabalik sa No. 8 spot sa Eastern Conference playoff race.

‘’Our guys wanted it very badly tonight,’’ sabi ni Miami coach Erik Spoelstra. ‘’We understand what the playoff race is right now. It felt like an old Miami Heat game with normal Miami Heat huddles. Guys were screaming at each other, lot of passion in this game and it was much-needed.’’

Naglista si Hassan Whiteside ng 16 puntos at 11 rebounds at nagtapos naman si Mario Chalmers na may 16 puntos mula sa bench para sa Heat, na kapwa napanalunan ang dalawang regular season trips ni James sa Miami ngayong season, ang kanyang dalawang unang laro sa dating bakuran mula nang iwan ang koponan at magbalik sa Cleveland nitong nagdaang summer.

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

Sa likuran ni Wade, isinara ng Miami ang first half sa kanilang 19-5 run upang kunin ang 56-38 abante at pagkatapos ay itinulak ito sa 25 puntos na margin sa ikatlong yugto.

‘’For this team, it’s about fighting for the playoffs right now,’’ saad ni Wade. ‘’Every day, we in, we out, we in, we out - so we needed this win today.’’

Naitala ni James ang 16 sa kanyang 26 puntos sa fourth quarter para sa Cleveland, na nakitang naputol ang kanilang four-game winning streak. Nag-ambag si Kyrie Irving ng 21, ngunit nagkasya lamang sa 5-for-15 sa shooting.

‘’I just stuck with it and found a good groove in the fourth quarter,’’ ani James, na kinailangan ng treatment sa kanyang tuhod ng buong araw ngunit nagdesisyon na maglaro. ‘’Just tried to put some pressure on their defense and find a rhythm, which I did.’’

Nakakuha si Wade ng 24 puntos sa half nang talunin ng Miami ang Cleveland noong nakaraang Pasko, at binuhat muli ang Heat sa maagang bahagi ng larong ito. Siya ay nagkaroon ng 16 puntos sa second quarter pa lamang, napantayan ang buong output ng buong roster ng Cleveland sa loob ng 12 minuto, at nakuha ng Miami ang buong kontrol.

‘’I feel our legs just kind of gave out,’’ lahad ni James sa pagtatapos ng kanilang four-game weeklong road trip. ‘’And they did a good job exploiting that.’’

Resulta ng ibang laro:

Toronto 117, Indiana 98

Washington 105, Portland 97

Boston 108, Philadelphia 89

Brooklyn 122, Minnesota 106

Memphis 92, Denver 81

Dallas 119, Oklahoma 115

Utah 94, Charlotte 66