Kyrie and Lebron

ORLANDO, Fla. (AP)- Nasa tamang pagbabalik at pagtatrabaho si Kyrie Irving kahapon.

Pasimpleng napaluha ang All-Star guard.

Umiskor si Irving ng 33 puntos habang nagtala si J.R. Smith ng 25 upang pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa 123-108 victory kontra sa Orlando Magic.

First Lady, unang hinanap si PBBM matapos panoorin Hello, Love, Again<b>— Alden</b>

Taglay ni Irving ang 12-for-15 mula sa field at 4-for-6 mula sa linya sa kanyang unang paglalaro simula nang magposte ito ng kanyang NBA-high 57 puntos sa 128-125 overtime victory nila noong Biyernes laban sa San Antonio. Napasakamay rin nito ang 5-for-6 mula sa 3-point range sa kanyang paglalaro sa loob ng 34 1/2 minutes.

‘’Someone did ask me, ‘What do you do for an encore for that?’ I didn’t have a good answer,’’ pahayag ni Cleveland coach David Blatt. ‘’But 12-for-15 from the field, 33 points in 34 minutes, that’s a pretty good encore.’’

Tumapos si LeBron James na mayroong 21 puntos, 13 assists at 8 rebounds para sa Cavaliers, napagwagian ang apat na sunod na laro.

Nakamit ng Cleveland ang 18-for-35 mula sa 3-point range.

‘’When me and LeBron are attacking downhill like that, it’s kind of hard for their big men to stop us in the paint,’’ ayon kay Irving. ‘’We wanted to continue to penetrate in the paint and get other guys shots.’’

Nakalapit pa ang Magic sa 112-103 sa fourth quarter, subalit ang jumper ni James at 3s ni James Jones ang nakatulong sa Cavs upang tuluyan nang ipinid ang laro.

‘’When you’ve got guys shooting like that, all you try to do is get them the ball in the same spot and just let them catch and shoot,’’ sambit ni James.

Pinamunuan ni Victor Oladipo ang Magic sa inasintang 25 puntos. Kumubra si Tobias Harris ng 24, habang tinipa ni Nik Vucevic ang 22 puntos at 15 rebounds.

Taglay sa ngayon ng Orlando ang apat na sunod na pagkatalo.

Pinalobo ng Cleveland ang laro sa pagbubukas ng ikalawang quarter, hinadlangan ang Orlando sa 40-27. Naikasa ni Irving ang 16 puntos sa third, kabilang na ang dalawa sa anim na 3-pointers ng Cavaliers sa nasabing period.

‘’This is one of those teams that if you’re not perfect, if they are not having off night, it’s going to be a very difficult game,’’ paliwanag ni Magic coach James Borrego.

Kinontrol ng Magic ang tempo upang buksan ang laban, bago hinayaan ang Cleveland na kunin ang unang kalamangan tungo sa 11-0 spurt sa second quarter.

Si Irving ay nagkaroon ng solidong ikalawang period, taglay ang 4-for-4 mula sa field, kung saan ay umiskor ito ng 9 puntos. Tumulong si James na giyahan ang lahat ng opensa, at ipinagkaloob ang limang assists.

‘’It was just err on the side of aggression - that’s my mind set,’’ saad ni Irving. ‘’My teammates do great job of feeding me confidence and instilling that trust in me.’’

TIP-INS

Cavaliers: Naiposte ni James ang kanyang ika-18 double-double sa season. ... Umiskor si James ng double figures sa 628 magklakasunod na laro para sa third-longest streak sa kasaysayan ng NBA. ... Itinarak ng Cleveland ang 62 percent sa shooting sa unang half matapos na pasimulan ang laro sa 1-for-6 mula sa field.

Magic: Sumadsad ang Orlando sa 6-28 nang ang kanilang kalaban ay magposte ng 100 o mahigit pang puntos. ... Pinagpahinga sina guard Evan Fournier (hip), guard/forward Willie Green (low back spasms), at guard Devyn Marble (eye).

LEBRON’S HEALTH

Lumabas na nasaktan ang kanang tuhod ni James nang ito’y bumagsak ng pataliko mula sa isang jumper sa third quarter. Natapos naman nito ang laro ngunit tinawag niya ang laban na, ‘’a scary moment.’’

‘’I couldn’t get my foot from underneath me and I was able to play through it obviously and see how I feel tomorrow and go from there,’’ pahayag nito. ‘’I haven’t had one of those falls in (forever), in a pretty long time. ... I was happy to be able to stay on the floor with my teammates.’’