LINGAYEN, Pangasinan – Nabubulok na ang mga sibuyas sa mga taniman sa mga bayan ng Bayambang at Bautista, ang dalawa sa may pinakamalalaking ani ng sibuyas sa Pangasinan, dahil sa biglang pagbulusok ng presyo nito sa P10 mula sa dating P12 kada kilo.

Naghihimutok si Gov. Amado Espino Jr., na ang pamilya ay may sibuyasan sa Bautista, sa biglaang pagbaba ng presyo ng sibuyas, sinabing posibleng dahil ito sa napakaraming ani at sa presensiya ng imported onions na sibuyas sa merkado.

Bagamat nasa P12 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas, ibinebenta lang ito ng P20 bawat kilo sa mga palengke sa lalawigan. Masyado pa ring mura ang P20 kada kilo dahil kakapiranggot na lang ang kikitain ng mga magsasaka, na ginastusan din naman ang pagtatanim sa mga ito.

Sinabi pa ni Espino na ang isa pang dahilan sa mababang presyo ng sibuyas ay ang umano’y manipulasyon ng mga middleman na bultu-bulto kung bumili ng sibuyas.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

Napaulat na nabubulok na ngayon ang mga sibuyas sa Bayambang at Bautista dahil wala namang mapag-iimbakan sa mga ito ang mga magsasaka.

Aminado si Espino na wala siyang magagawa sa ngayon para maiwasan ang pagkalugi ng mga magsisibuyas. - Philippine News Agency