Marami tayong kababayan ang nagtaas ng kilay,nabigla at napa-look sa sky sa narinig na bahagi ng talumpati at mga sagot ng Pangulong Noynoy Aquino sa pagtitipon ng mga evengelical leader o mga pastor at lider ng simbahan sa compound ng Malacañang noong Marso 9.Bago nagtalumpati at sumagot sa mga tanong ang Pangulo, nag-pray over para sa kanya ang mga pastor. Ipinagdasal siya upang patnubayan sapagkat inuulan na ng batikos ang kanyang pamamahala. May humihiling pa na siya’y mag-resign na dahil sa pagkamatay ng 44 na PNP-SAF commando sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao.

Matapos ipagdasal ang Pangulong Aquino ng mga pastor, masigla ang kanyang talumpati at pagsagot sa kanilang mga tanong. Ngunit sa halip na magpaliwanag at akuin bilang commanmder-in-chief ang pananagutan sa Mamasapano masaker sa 44 na SAF commando, ginawa niyang scapegoat o sangkalan ang sinibak na direktor ng SAF na si General Getulio Napeñas Nabola at niloko siya ni Napeñas sa operation sa dalawang terorista. Hindi sinunod ang utos ni PNoy na magkaroon ng koordinasyon sa AFP Sinabi pang tatanga-tanga si Napeñas. Binatikos din ni PNoy ang kanyang mga kritiko; tinawag na mga KSP o kulang sa pansin ngunit wala naman maibigay na mabuting payo.

Dahil sa magaspang na pananalita at lengguwahe ng Pangulo, iba’t ibang reaksyon ang narinig sa ating mga kababayan. May nagsabing tila nasobrahan ng pray over ang Pangulo at naging parang kapeng barako ang tapang ng kanyang pagsasalita bilang Pangulo at ama ng bansa, hindi dapat mamutawi o marinig sa kanyang bibig ang mga magaspang na salita. Bukod sa insulto sa kanyang pinatatamaan ay nawawala ang paggalang sa kanya ng ating mga kababayan. Sabi naman ng isang Rizalenyo: Pangulong Aquino, relax lang po kayo. May nagsabi naman na ngayong sunud-sunod na ang kilos-protesta at rali laban sa Pangulo at sa mga plakard at streamer ay madidilat na nakasulat ang iba’t ibang tawag sa kanya at hinihiling ang kanyang pagre-resign dahil sa Mamasapano masaker, ay baka magningas na apoy ang galit ng sambayanan na sumisigaw na rin ng katarungan at katotohanan sa napatay na 44 na SAF commando.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!