GERONA,Tarlac – Naubos ang pasensiya ng isang 73-anyos na dating bilanggo matapos siyang insultuhin at dalawang beses na hampasin sa ulo ng isang lalaki, na kalaunan ay pinagsasaksak niya hanggang sa mamatay.

Sa kanyang report, kinilala ni Gerona Police chief, Supt. Ariel Rebancos Red, ang napatay na si Reynaldo Sembrano, 43, ng Barangay Sulipa, Gerona, habang ang suspek naman ay si Fernando Ines, kabarangay ng biktima. Nabatid na pamangkin ng suspek ang biktima.

Mahigit 20 taong nakulong si Ines sa pananaksak at pagpatay din sa isa pang kabarangay.

Ayon sa report, habang nag-iinuman ay ininsulto at hinamon ng suntukan ni Sembrano ang suspek pero nanatiling kalmado si Ines hanggang sa paluin ng biktima ang tiyuhin sa ulo gamit ang bakal na pitsel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pa rin pumatol ang suspek at pinauuwi na si Sembrano pero muling hinampas ng huli sa ulo ng pitsel si Ines, at nagdugo ang ulo ng matanda.

Sa puntong ito ay bumunot na ng balisong ang suspek at limang beses na sinaksak si Sembrano bago tumakas. - Mar T. Supnad