Pormal nang itinalaga si Carlo Katigbak bilang bagong chief operating officer ng ABS-CBN Corporation.

Bago ang naturang appointment, nanungkulan si Carlo bilang head ng Access group ng ABS-CBN at pinangunahan ang pamamayagpag ng SKY Cable Corp. at matagumpay na pagkakalunsad ng ABS-CBNmobile at ABS-CBN TVplus.

Bukod sa pagiging COO, miyembro si Carlo ng Board of Advisors ng ABS-CBN, presidente ng SKY Cable, at Managing Director ng Bayan Holdings Corp. Aktibo rin itong kalahok sa Programming Committee ng ABS-CBN.

Mahalaga ang naging papel ni Carlo, na may 20 taong karanasan sa financial management at business operations, corporate planning, at general management, sa pag-unlad ng takbo ng negosyo at pag-alagwa ng kita ng SKY Cable Inc. at ABS-CBN Interactive, na pareho niyang pinamunuan.

National

Tawi-tawi, niyanig ng 4.4-magnitude na lindol

Nagsimula si Carlo sa SKY noong 1994 hanggang naging managing director ng Pilipino Cable Corporation at concurrent VP for Provincial Operations ng SKY. Naging managing director si Carlo sa ABS-CBN Interactive ng anim na taon bago muling bumalik sa SKY bilang chief operating officer mula 2005 hanggang 2011.Si Carlo ay nagtapos ng Advanced Management Program sa Harvard Business School at grumaduate ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering.