Patuloy na nangangailangan ang United Kingdom ng mga Pilipinong health care professional base sa mga natanggap na job order ng isang ahensiya sa ilalim ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakatanggap ang Omanfil International Manpower Development Corporation ng mahigit 270 job order para mga nurse sa tatlong ospital sa UK.

“Apart from the 220 job orders for nurses we have reported in January this year, this latest overseas employment opportunity augurs well to our globally-competitive health care professionals,” paliwanag ni Baldoz. - Mina Navarro

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’