CABIAO, Nueva Ecija – Isinugod sa Cabiao General Hospital ang isang 35-anyos na lalaki na hinihinalang leader ng isang robbery-carnap gang makaraang barilin ng mga suspek na riding-in tandem sa Gapan-Olongapo Road sa Barangay Sta. Rita ng bayang ito, noong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni Chief Insp. Joseph Sta. Cruz, hepe ng Cabiao Police, kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nasawi na si Jayson Damian, 35, ng Bgy. Sta. Rita, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 7:30 ng umaga at kaangkas ni Damian sa motorsiklo ang kanyang live-in nang saglit silang humimpil sa gilid ng highway pero tinapatan sila ng mga suspek at pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Hindi pa matiyak ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang kay Damian. - Light A. Nolasco

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20