SILANG, Cavite – Kulungan ang binagsakan ng isang manyakis na tricycle driver matapos maaktuhang tinitira ang isang baka sa isang madamong lugar sa Aguinaldo Highway, Barangay Biga II, sa bayan na ito.

Sinabi ni Rustico Unabia Sarno, 55, na nawawala ang kanyang baka kaya humingi siya ng tulong sa kanyang mga kamag-anak sa paghahanap nito dakong 5:00 noong Martes ng umaga.

Nang makita niya ang bahagi ng lubid ng kanyang baka sa isang madamong lugar, natagpuan niya na ang kanyang alaga at ang suspek habang nasa aktong nakikipag-sex ito sa hayop.

Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ni PO3 Robert Vito Dimailig, na ang suspek ay 46-taong gulang, may asawa at mga anak, at residente ng Asuncion Subdvibision, Barangay Biga I.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Dimailig na posibleng sabog sa droga ang suspek dahil may nabawing aluminum foil, na karaniwang ginagamit sa pagbatak ng shabu, sa kanyang bulsa.

Base sa salaysay ng mga residente, hindi ito ang unang pagkakataon na tinira ng suspek ang baka.

Agad namang dinala ang manyakis na suspek sa Silang Police Station upang sumailalim sa imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, depende sa korte kung kailangan nilang isailalim ang baka sa medico legal. - Anthony Giron