Pinayuhan ng isang water utility firm ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig bilang paghahanda sa nakaambang epekto ng El Niño ngayong buwan.

Inihayag ni Manila Water Company Inc. (MWCI) Spokesman Jeric Sevilla, sa ngayon ay sapat pa rin ang tubig ng Angat Dam sa Bulacan upang matugunan ang pangangailangan ng mga consumer nito ngayong tag-init.

Aniya, nasa normal volume pa rin ang tubig ng nasabing water reservoir nang maitala ang 201.84 metrong lebel nito noong Martes.

Sinabi ni Sevilla na hininaan na nila ang pressure ng tubig sa mga kabahayang saklaw ng kanilan serbisyo.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Handa na rin aniya ang kanilang kumpanya kung sakaling tumindi ang epekto ng El Niño dahil mayroon aniya silang 25 na deep well na maaari nilang paganahin anumang oras.

Kaugnay nito, nagbabala kahapon ang MWCI sa nakatakdang water interruption sa mga lugar na sinusuplayan nila ng tubig.

Paliwanag nito, mula sa Marso 15 hanggang 18, magsasagawa ng seismic retrofitting ang kumpanya sa mga tubo ng tubig kung saan maaapektuhan nito ang tatlong barangay sa Rizal na kinabibilangan ng mga sumusunod:

- Hillside at Cortijos Subdivision sa San Rafael, Rodriguez

- Marang Road sa Maly San Mateo

- Villa San Mateo I sa Guinangbayan Uno, San Mateo.

Aabot din aniya sa 23 pang barangay sa Rizal ang maaapektuhan din ng 12-oras na water interruption.

Paglilinaw ng MWCI, ang naturang seismic retrofitting ay hindi bunsod ng kakulangan sa supply ng tubig.