June 03, 2026

Home BALITA National

Sen. Lacson: Sen. Cayetano is no longer SP

Sen. Lacson: Sen. Cayetano is no longer SP
photo courtesy: Ping Lacson, Alan Peter Cayetano (Facebook)

Iginiit ni Senador Ping Lacson na hindi na magsisilbing Senate Presidente si Senador Alan Peter Cayetano kasunod paghalal kay Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Matatandaang ginulat nI Senador Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon nitong Miyerkules, Hunyo 3, ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang lahat ng posisyon, kabilang ang Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President.

Maki-Balita: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

National

Sino susundin? SP Cayetano naglabas ng memo, Blue Ribbon committee hearing push pa rin bukas!

Sa isang X post nito ring Miyerkules, nilinaw ni Lacson ang isang post na nagsasabing nananatili pa ring Senate President si Cayetano.

"Not accurate. Sen Cayetano is no longer SP. With 12 senators present, a quorum was declared out of the base number of 22 since Sens de la Rosa and Estrada are outside the “coercive power” of the Senate (Avelino v Cuenco. GR No 2821)," saad ni Lacson.

Dagdag pa niya, "Hence, we voted to declare all positions vacant, although we could not yet elect a new SP because we lacked the 13 votes required under the Constitution."

Samantala, sa Facebook Live ni Cayetano nito ring Miyerkules, tinawag niyang ilegal ang kudetang ginawa ng mga kasapi ng minorya.

"This is an illegal coup d’état na may kasamang pagbabasura ng ating Konsitusyon. I warned everyone about this from day one," saad niya.

Maki-Balita: Cayetano, tinawag na ilegal ang kudeta ng minority