Matteo Guidicelli

SA grand presscon ng Inday Bote na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Matteo Guidicelli, mariing itinanggi ng huli ang isyung hiwalay na sila ni Sarah Geronimo. 

“Paulit-ulit kong sasabihin na okay naman kami at masaya naman kami. Wala, that’s just negative stuff to bring us down, but it’s not gonna bring us down. Sarah and I we’re strong, we’re going strong, and sana we’ll forever be strong, di ba?” natatawang balik tanong sa amin ni Matteo.

Mas marami nga raw silang magkakaparehong interests ngayon ni Sarah. At kahit pareho silang busy sa trabaho ay hindi sila nawawalan ng komunikasyon. 

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“In everything, we like almost the same things, eh. Like sports, she loves the music, she shares music to me and food, many things. A lot of things, we share. Kagaya ng sinasabi ko, eh, okay naman kami, masaya kami,” lahad pa ng aktor. 

Walang problema kay Sarah ang pakikipagtambal niya kay Alex. Katunayan, sobrang supportive ang girlfriend niya sa project nilang ito under Dreamscape Entertainment. 

“Alam niya naman na first love ko ang pag-arte at close naman sila ni Alex kaya wala namang problema.”

Magkatrabaho sina Sarah at Alex sa ASAP at may mga pagkakataon pa nga raw na nagkakasama ang dalawa sa production number. Magkaibigan ang dalawa kaya wala siyang nakikitang magiging problema ni Sarah sa pakikipagtrabaho niya kay Alex. 

“Yes, okay naman and they’re friends, hindi lang friends, they are very good friends kumbaga.” 

So, walang mangyayaring selosan? 

“Sana wala, wala naman. I’m sure wala naman kasi they’re friends.Hindi naman siya magseselos, okay naman,” sey pa ni Matteo. 

Tuwang-tuwa si Matteo na for the first time ay makakasama niya sa serye sina Alex Gonzaga at Kean Cipriano. 

“Sobrang masarap silang katrabaho. Sobrang comfortable ako kay Alex na talagang ibinibigay ko lahat kay Alex na hindi ako takot to give her. So, that’s what I’m very excited for na sana magustuhan ng mga tao ito. Sobrang comfortable kami ni Alex sa screen at sa working relationship namin, so exciting ito,” sey niya ni Matteo.