Marso 10, 1906, nang 1,060 katao ang nasawi at daan-daang iba pa ang nasugatan sa pagsabog sa isang minahan sa Courrieres, France, bunsod ng underground fire. Dakong 7:00 ng umaga nang araw na iyon nang maglabasan ang debris mula sa bunganga ng tunnel.

Ilang araw bago ang trahedya ay natukoy na ang usok at amoy pero ipinagpatuloy pa rin ang pagmimina. Namataan ang pagliliyab sa malalim na bahagi ng minahan isang araw bago ang pagsabog. Sumingaw ang flammable gas sa pader ng tunnel kahit pa nagtulung-tulong ang mga minero na maapula ang apoy.

Ilang katao ang nagtamo ng sunog sa balat nang maglabasan ang apoy sa lahat ng bukas na bahagi ng minahan.

Tatlong oras isinagawa ang search at rescue operations, at karamihan sa mga hindi nakalabas sa minahan ay idineklarang patay. Ang pagliliyab, mapanganib na usok at debris ang sanhi ng mga pagkamatay. Ngunit 20 araw matapos ang trahedya ay lumitaw nang buhay ang isang grupo ng mga minero.
National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc