NAALIW ako sa takbo ng usapan ng entertainment writers at editors tungkol sa Rising Stars na bagong singing contest ng TV5 na na iho-host daw ni Ogie Alcasid.

Nagtanungan kasi kung invited sila sa presscon ng programa ng TV5 at narinig naming, “hindi, ano ‘yun?” Sabi naman ng writer, “bagong show nga, singing contest daw.”

“Singing contest? Rising Star? Sa rami ng ipinanalo na nila sa mga reality shows nila, ni isa wala namang nag-rise pa, ah! Meron na ba?” hirit ng isa sa dalawang entertainment editor.

Bigla kaming naging interesado sa titulong Rising Star, oo nga, nasaan na ba ‘yung mga star na sariling produkto ng TV5?

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“Sikat naman sina Sophie Albert at Vin Abrenica ng Artista Academy, ah,” say naman ng nakisingit na reporter. “Hayan nga may Wattpad, si Eula Caballero ng Star Factor, kasali rin sa Wattpad.” 

Susme, ilang taon na ang nakalipas simula nang manalo si Eula sa Star Factor hanggang ngayon hindi pa niya nakikita o nararamdaman ang star, tama ba, Bossing DMB? 

Si Morisette Amon na runner-up lang ni Eula sa Star Factor mas maingay pa ang pangalan simula nang sumali sa The Voice ng ABS-CBN dahil kaliwa’t kanan ang exposure niya ngayon at regular na sa ASAP 20 bukod pa sa kumakanta na rin ng soundtrack ng ilang top-rating teleserye.

 Marami namang artista ang TV5, pero parang hindi nabibigyan ng sapat na exposure o kulang sila sa packaging.

“Oo, pareho sila ng GMA-7, may kulang sa packaging ng mga artista nila,” komento ng entertainment editor. 

Oo nga, ‘yung mga artistang galing ng TV5 at GMA-7 na nasa ABS-CBN na ngayon, nagmukha nang mga sosyal at mamahalin. 

Naalala tuloy namin ang sinabi ng katsika naming ABS-CBN executive tungkol sa mga artistang dating ‘waley’ pero bonggacious na ang imahe ngayon.

“That’s what you call branding, changing of image lang ‘yan, dapat ‘yun ang puhunanan mo,” na tama naman talaga.

At dito kami natawa nang husto: “Eh, mas mapoporma pa ang lady executives ng TV5 kaysa sa mga artista nila.”

Base sa mga kakilala naming lady executives ng TV5, oo nga, in fairness, Bossing DMB, mapoporma sila with their branded bags, stilettos and clothes. Mas mukha pa silang mga artista kapag nakikita namin sila sa presscons at events, ha-ha-ha-ha. 

Oh well…