Kasabay ng pagpapatupad ng oil price hike ngayong araw, ikakasa naman ng Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang isang kilos-protesta sa harap ng Kamara.

Simula 7:30 ng umaga ay magtitipon ang mga miyembro ng PISTON sa harap ng National Housing Authority (NHA) Central Office sa Quezon City Elliptical Circle bago magmamartsa patungong Batasan Complex sa ganap na 9:00 ng umaga upang doon magsagawa ng protesta kontra sa panibagong pagtaas ng 95 sentimos sa gasolina at 55 sentimos sa diesel na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Samantala, magpapakita naman ng suporta ang PISTON sa tinatalakay na House Bill 173 ng Makabayan bloc na layuning ipatupad ang kontrol o regulasyon sa industriya ng langis, House Bill 174 na magbabalik sa Petron Corporation sa gobyerno, at House Bill 176 na magpapatupad ng centralized procurement ng langis, sa public hearing ng House Committee on Energy ngayong Martes ng umaga.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga