June 01, 2026

Home BALITA Politics

Rep. Pulong kay PBBM: 'Without Sara Duterte, you would not have won by the margin that you did!'

Rep. Pulong kay PBBM: 'Without Sara Duterte, you would not have won by the margin that you did!'
Photo courtesy: via MB File Photo

Muling binanatan ni Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pamamagitan ng kaniyang opisyal na pahayag na naka-post sa kaniyang opisyal na Facebook page, nitong Lunes, Hunyo 1, 2026.

Bagama't hindi tinukoy ang direktang pangalan, naniniwala ang mga netizen na ang "Mr. Bangag" na binanggit niya sa simula ng post ay si PBBM.

Nag-react si Rep. Pulong sa mga kamakailang naging pahayag ng Pangulo tungkol sa iba't ibang isyu, lalo na sa kaniyang mga nagawa at legasiya sa bansa, gayundin ang sinabi niyang wala siyang pagsisising naging ka-tandem si Vice President Sara Duterte sa UniTeam sa nagdaang 2022 Presidential Elections.

Hinamon ng solon ang Pangulo na isa-isahin ang mga repormang aniya’y naipatupad ng administrasyon.

Binanggit din ng kongresista ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo at sinabing dapat malinaw na maipaliwanag sa publiko ang mga konkretong resulta ng mga programa ng administrasyon.

Politics

‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso

“Malapit na naman ang SONA mo. Baka puwede mong isa-isahin nang malinaw ang mga nagawa mo na ramdam ng ordinaryong Pilipino. Hindi iyong puro English buzzwords, bagong slogans, at scripted applause mula sa mga kongresistang nakapila para mag-standing ovation,” ani Paolo.

Ayon pa sa kaniya, mas mahalagang tugunan ng administrasyon ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino gaya ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagbaha, at iba pang suliraning pangkabuhayan.

“Habang naghahanda ka ng panibagong talumpati, ang mga Pilipino naman ay naghahanda sa panibagong taas-presyo, panibagong baha, at panibagong pasakit sa araw-araw na buhay. Iyan ang tunay na report card ng iyong administrasyon,” dagdag niya.

Sa parehong pahayag, ipinagtanggol din ni Rep. Pulong ang kapatid na si VP Sara at iginiit na malaki ang naging papel nito sa tagumpay ng UniTeam noong halalan noong 2022.

Because the truth is simple—without Sara Duterte, you would not have won by the margin that you did. The UniTeam coalition delivered votes from north to south."

Ayon pa sa kongresista, hindi dapat kalimutan ang naging ambag ng kapatid sa mandato na nakuha ng kasalukuyang administrasyon.

“History will always show that your victory was built not on the Marcos name, but on the trust and support commanded by Vice President Sara Duterte,” saad niya.

Tinapos ni Rep. Pulong ang kaniyang pahayag sa pagkuwestiyon sa umano’y pamana ng administrasyon ni Marcos.

“Instead of worrying about who might ‘undo’ your legacy, perhaps the bigger question is whether there is a legacy that Filipinos can genuinely point to beyond speeches, slogans, and photo opportunities,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi umano ang mga palakpakan sa Batasan ang magiging sukatan ng tagumpay ng isang Pangulo kundi ang magiging hatol ng mamamayan.

“Ang magde-decide ay ang mga Pilipinong hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng pagbabago na ipinangako mo sa kanila noong 2022,” pagtatapos ni Rep. Pulong.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na tugon o pahayag ang Malacañang kaugnay ng mga naging pahayag ng mambabatas.

Maki-Balita: Rep. Pulong kay 'Mr. Bangag:' 'Malapit na SONA mo, baka puwedeng isa-isahin mga nagawa mo?!'