May isa akong kasama sa opisina na madalas makagalitan ng kanyang boss dahil sa palpak na gawa. Gayong hindi naman siya pinepersonal ng kanyang boss ngunit ganoon ang dating sa kanya. Dahil dito, hindi niya maiwaksi na sumama ang loob sa kanyang boss. Unti-unti na siyang nilalamon ng kanyang galit hanggang sa wala na siyang makitang mabuti sa lahat ng naroroon sa kanyang departamento. Dahil “nagtanim” siya ng galit sa kanyang puso, wala na siyang magawang mabuti. Dumating ang semestral appraisal at bumaba ang kanyang performance rating. Siyempre, hindi siya tumanggap ng performance bonus dahil doon.

Kapag nagtanim ka, alam mo kung ano ang iyong aanihin. Ganoon din sa ating buhay. Aanihin natin kung ano man ang ating itinanim. Minsan, nagugulat na lamang tayo sa kaguluhan at kapighatiang idinudulot ng ating pamumuhay. Ngunit nangyayari lamang iyon kapag nagtanim tayo ng mga butil ng masamang pag-uugali at maling gawa; at nararanasan natin ang natural na bunga ng kung ano ang ating itinanim.

Ngunit nangyayari rin ang kabaligtaran niyon. Kung magtitimpi tayo sa ating kapwa, kung tumutugon tayo sa mga paghamon nang may pananalig sa halip na may takot, at kapag tinatanggap natin ang ating kapwa kahit hindi sila katanggap-tanggap, ang mga ito ang bunga ng mga butil na itinanim ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay.

Kaya kailangang maging maingat tayo sa mga butil na ating itinatanim sa ating puso. Kung nais natin na magbunga ang ating buhay ng mga pag-uugali at mga tagumpay na ikasisiya ng Diyos, kailangang hilingin natin ang Kanyang tulong upang makapagtanim tayo ng tamang butil.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'