UNITED NATIONS (AP) – Sa isang pribadong working lunch para sa limang pinakamakakapangyarihang kasapi ng United Nations Security Council, napunta ang usapan sa susunod na U.N. secretary-general.

Nagpaalala ang isang European ambassador sa kanyang mga kasama sa isang General Assembly resolution na halos kasing edad na ng 70-anyos na organisasyon, sa isang guiding document sa pagpili ng U.N. chief, na karaniwang inililihim at pawang lalaki ang pinagpipilian.

Sinabi ng embahador na panahon nang bigyan ng pagkakataon ang isang “woman” para pamunuan ang UN.

“There have been eight men and no women. To me, it’s time,” sabi ni Jean Krasno, lecturer sa Yale na nanguna sa bagong Campaign to Elect a Woman Secretary-General.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga