Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay at saka itinapon sa ilog ang bangkay ng isang dalagita sa Kawit, Cavite, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na text message mula kay Cavite Police Provincial Office Director Senior Supt. Jonnel Estomo, dakong 8:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Marinel Largo, 15, ng Aroma, Marulas, sa ilog malapit sa exit gate ng Cavitex sa Barangay Marulas.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si Dan Rex Enriquez, na nakatira sa Bgy. Ligtong, Rosario, na huli umanong nakainuman ng dalagita sa isang party.

Teorya ng pulisya, matapos dumalo sa party ay umuwi na ang biktima pero sinundan siya ng suspek at ginahasa bago pinatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isasailalim pa sa awtopsiya ang katawan ng dalagita upang makumpirma kung ginahasa siya at matiyak ang sanhi ng kanyang pagkamatay habang patuloy ang manhunt operation laban sa suspek.