MABAIT sa press people si Gabby Eigenmann, kaya kabilang ang mga reporter sa natutuwa na may dalawa siyang bagong show sa GMA-7.

Magpa-pilot ngayong araw (Monday, March 9), pagkatapos ng 24 Oras ang Pari Koy na balik kontrabida siya dahil type niyang suportahan ang kaibigan niyang si Dingdong Dantes na siyang bida ng soap.

Gabby EigenmannSa March 22, airing naman ng pinagbibidahan niyang InstaDad na mapapanood every Sunday, pagkatapos ng Sunday All Stars.

Hindi iniisip ni Gabby ang puyat at pagod sa taping ng dalawang show, ang nasa isip niya’y magpalasamat sa network na pinagkatiwalaan siyang bigyan ng dalawang programa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Trabaho ang hinahanap ng bawat artista at ‘pag dumating ‘yun, magpalasamat ka at ‘wag magreklamo na mapupuyat at mapapagod ka. Huwag ding sabihin na mawawalan ka ng time sa family mo dahil dapat may oras ka sa family mo. Saka, naiitindihan ng pamilya ko kung maging busy man ako,” pahayag ni Gabby.

Dagdag ni Gabby, bumabawi siya sa pamilya niya ‘pag wala siyang trabaho at madalas ay nagta-travel sila together. Para mas masaya, isinasama pa niya ang mga kapatid.

Sanay magkontrabida si Gabby at tiniyak niya na maiinis sa kanya ang susubaybay sa Pari Koy dahil sa atake niya sa karakter ni Jude Banal. Drama na may comedy naman ang InstaDad, bagay daw sa Sunday afternoon time slot na relax at pa-chill-chill lang ang viewers. (Nitz Miralles)