INABOT ng isang taon bago nagkaroon muli ng teleserye si Carmina Villaroel. March of last year pa nang magtapos sa ere ang programang Got To Believe na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ganoon na lang ang pasasalamat ni Carmina sa ABS-CBN na binigyan uli siya ng kakaibang role para sa bagong seryeng Bridges of Love na isa pa rin siya sa mga bida kasama sina Maja Salvador, Jericho Rosales at Paulo Avelino.

Hindi niya naisip na ipagkakatiwala sa kanya ang ganitong klaseng karakter bilang si Alexa Meyers na woman of power, super glamorosa at todo-todo kung magmahal. Mai-involve ang papel niya sa karakter ni Paulo Avelino.

“Basta, katulad ng mga nasa cast, iba. Iba ang role ko. Hindi ko pa ‘to nagagawa sa dati kong mga nagawa. First time. So, kung si Maja, daring, ganu’n din sa akin,” medyo napatawang kuwento ni Mina.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Sa pagkakaalam namin ay sobra pa sa isang bading ang gagammpanang karakter ni Carmina. Kaya niyang bumili ng lalaki at handa niyang bilhin ang karakter ni Paulo kahit sa magkanong halaga, huh!

“Parang gano’n yata. I will do anything and everything para makuha ko lang siya. Iba talaga sa akin kaysa totoong buhay. Kasi hindi ako ganu’n, eh. Ako kasi, ‘pag ayaw mo sa akin, ‘di huwag! Bakit pa, di ba?” natatawang balik-tanong niya.

May age gap daw talaga sila ni Paulo sa takbo ng istorya ng naturang serye. So, sinong older woman ang peg niya rito?

“Wala akong peg, eh. Nu’ng in-offer lang sa akin, sabi ko, ‘Wow! Kaya ko ba ‘to? Go, sige!’ Kasi, parang gusto kong i-challenge ang sarili ko na, ‘Kaya ko ba? Okey ba kaming dalawa ni Pau together? Hindi ba asiwa?’ Gano’n. So far, parang hindi naman sila naaasiwa, ha-ha-ha!”

For sure, may mga halikang eksena sila ni Paulo sa serye.

“Okey lang ‘yun sa akin. Daring na para sa akin. Siguro para sa iba, hindi.” sey ng aktres na sinabayan uli ng tawa.

Ano naman ang reaksiyon ng mister niyang si Zoren Legaspi sa role niya?

“Wala. Busy siya sa Forevermore!” diretsong sagot ng aktres.

Hindi naman daw niya masyadong napansin ang reaksiyon ng ni Zoren sa role niya, pero alam niyang very supportive ito sa kanya.

“Artista rin siya. So, alam niya kung ano ‘yung trabaho ko. At saka trabaho lang ‘to,” nakangiting pakli ni Mina.