BEIRUT (AFP) – Nakilala ang Islamic State sa mga karumal-dumal na imahe ng pamumugot at pagmamalupit, ngunit ineengganyo ng grupo ang mga dayuhan na sumali sa kanilang “caliphate” sa pangangako ng adventure, tahanan at trabaho—maging pag-ibig.

Sa pamamagitan ng sopistikadong paraan ng recruitment, naengganyo ng mga jihadist ang daan-daang tagasuporta mula sa mga Western country para bumiyahe sa mga teritoryo ng IS na pinilas mula sa Syria at Iraq.

Sa simula ay nakatuon ang mga pagsisikap ng IS sa kabataang lalaki upang himukin na maging mandirigmang jihadist.

Ayon sa mga eksperto, marami ang nagulat sa natuklasan sa teritoryo ng IS, ngunit huli na ang lahat.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University