Naaresto ng  mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Anti–Kidnapping Group (AKG)  at Lucena Police Station  ang mag - asawang lider ng  “Ga-ga” kidnap-for-ransom group sa Lucena City.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt, Pagdilao, kinilala ang mag–asawa na sina Resty Branzuela, 30, ng No. 22 Barangay Poblacion, Tarlac City; at Maria Andrea Branzuela, 28, ng Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Nakatanggap ng intelligence report ang  hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na si Supt. Rodel Marcelo na ang mag-asawang suspek  ay nagtatago sa Lucena City.

Ganap na 11:00 ng umaga natukoy ng awtoridad ang kinaroroonan ni Branzuela sa isang convenience store sa Barangay Domoit, Lucena City kung saan nagpakilala pang siyang “Joseph Licay”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasamang  inaresto ang asawang si Andrea na may warant  of arrest sa kasong kidnap –for-ransom na inilabas ni Judge Rita Bascos-Sarabia ng Quezon City RTC Branch 99. 

Kasalukuhng nasa kustodiya ng CIDU si Resty Branzuela sa Camp Karingal habang ang asawang  si Andrea ay dinala sa tanggapan ng AKG sa  Camp Crame sa  Quezon City.